Hindi ko po ugali ang bumili ng pagkain o inumin sa kalsada o bangketa. Hanggang isang beses, nagtry ako.. sabi ko MINERAL naman yun, SAFE yun!
Usually, pinipili ko ng bumili ng softdrinks kesa bumili ng mga palamig o kung anong inumin sa bangketa o kalsada.. nasa isip ko.. SAFE TO, SEALED EH.
Pagkabili ko, so far ok naman.. ayon sa pagkakalam ko na may BRAND naman yung binili ko sa tabi tabi, so SEALED un, means SAFE.
May nakasakay akong babae, sabi nya - 'ay neng, bumibili ka pala ng ganyan?'
syempre ang sagot ko - 'oo naman po, may brand naman po eh, safe naman ito'.
sabi nya - 'ay mag iingat ka, marami na kasing ganyan pero hindi totoong mineral water iyan'
me - 'bakit naman po? eh silyado naman po ito'.
Nagkwneto sya~ ang sabi nya.. may mga batang nanlilimos daw dyan sa tabi tabi, lahat ng plastic, o pwedeng irecycle eh hihingin sayo o pupulutin. Nililinisnila at binebenta daw nila iyon ng MAS MURA kesa sa factory. Kung halimbawa sa factory 4.00 pesos isa, sila ibebenta lang daw nila ng 2.00 isa. uyyy!! mas mura nga! :))
Syempre ikaw kung negosyante ka - papatulan mo! muka namang malinis eh. maayos naman yung takip.
Hindi ako masyadong naniwala, kasi ang akala ko, kaya nya yun sinabi sa akin eh para magbenta rin ako at magipon ng bote. Ganon kasi ang dating sakin ng kwento nya.
Isang araw, Bumili ako ulit.. Tiwala ako, kasi may BRAND ulit yung binili ko e. Pagkabukas ko.. walang effort. Nabuksan ko sya, pero hindi naiwan ung LOCK nya sa bote. Usually dapat maiiwan yun, kasi yun ang katibayan na SILYADO at MAAYOS ang pagkakagawa ng mga pet bottles.
Pinagmasdan kong mabuti ang bote.. may mga ilang bagay ako na napansin.
Ang mga binili po nating bote, hanggat maaari, lukutin o sirain bago itapon. Nakatulong ka na, hindi ka pa naging sanhi para mabiktima ang ibang tao. :)
Sa mga makababasa po nito, mabuting ishare ito sa inyong mga kaibigan, anak, o kamag anak. Hindi para umiwas silang bumili sa kalsada o bangketa, ngunit para maging MAPAGMASID at MAPANURI po sila para maiwasan ang ganitong bagay.
Thanks for reading my post :)
www.itworks-ph.com
No comments:
Post a Comment