Thursday, January 7, 2010

Ang Aking Ina..

Ang Aking Ina..

Filed under: Uncategorized —Tagged , , , , , — princesschet @ 2:26 am

Ang Aking Ina


I


Mulang ako’y maging sanggol.. hanggang ako’y maging bata,

Wala akong nakagisnang sa akin ay magpapala…,

Kundi itong aking Inang mairugin… at dakila.

Kapiling ko sa ligaya at karamay ko sa pagluha.


II

Kung sakaling sa laruan ako nama’y patutungo,

Mag-iingat ka aking anak ang palagi niyang payo…,

Minsan noon ang mukha ko’y tinamaan ng isang bato.

Si Inay ay humahangos… na dumating ~ sumaklolo.

III


Minsan naman… ng ako ay dapuan ng isang lagnat..,

Si Ina’y ‘di natutulog! sa tabi ko’y nagpupuyat!!

Sa tabi ko’y nakaupo at sa pisngiy pumapatak..

ang luha ng pagmamahal sa bunso niyang kulang palad.

IV

Ganyan itong aking Ina… kung magmahal ay taimtim..,

Maglaho man ang daigdig… pag-ibig ay hanggang libing..

Nakangiting nagtitiis dahil sa bunsong giliw.

Kasama kong nagbabata… ng pasakit at hilahil.

Created by:

Hinahon D. Velasco

Oct. 9.2008

This Poem was created by my Father. Copy Right.




“Ang Turo ng Aking Ama”

Filed under: Uncategorized —Tagged , , , , , , — princesschet @ 2:29 am

“Ang Turo ng Aking Ama”

I
Ang turo ng aking ama na hindi ko lilimutin,
Kahit ako’y matanda na’t malapit ng magupiling.
Unang- una sa pagtulog,… aagahan ko ang gising;
Anuman ang gagawin ko’y ~ makapitong iisipin.II
Kahit bata kung mabuti… Ay akin daw igagalang,
Matanda ma’y layuan ko kung masama’t lapastangan.

III
Hindi baling ako’y pangit~ sa paningin at sa turing…
Makalakad lamang ako’y~ bahagya ma’y walang dusing.
Kapintasa’t pagkukulang ay akin daw aaminin…
Ngunit Huwag paaakay.. sa bulag pa kaysa akin.

09.21.08
Composed by Hinahon D. Velasco

Copy Right 2008.